Sunday, June 11, 2006
+ Isipan +
Mga matang nakatingin
Araw-gabi'y nagmamasid
Mga labing sumasambit
Mga salitang masasakit
Mga taong may isip
Ngunit hindi makaintindi
Mga problemang tinatakasan
Ngunit parating nandiyan
Gusto kong kumawala
Gusto kong tumakbo
Gusto kong lumipad
At magpakalayu-layo
Ano pa'ng nandidito?
Ano pa'nt hinihintay ko?
Patuloy na nag-aabang
Sa nakapinid na pinto.
Katapusang hinihintay
Hindi sa akin ibinibigay
Mga matang di matuyo
Patuloy pa ring itinatago
Tinitiis lahat ng hindi pag-unawa
Sinasalo lahat ng sakit
Sa dulo ng bangin ako'y itinulak
Ayaw ko man pero pilit kumakapit
Saan pa ako pupunta?
Kanino pa ako tatakbo?
Sino pa ang kakalinga
Sa buhay na puro gulo?
Wag na sanang dumating ang bukas.
Matapos na sana lahat ngayon.
Pakawalan na ang aking isipan
Sa walang hanggang panaghoy.
Xairylle ||
6:05 PM